Thursday, June 02, 2005

...howe...

'Di ko alam kung matatawa ako sa sinabi sa 'kin nang isa kong kaibigan na lalaki nu'ng minsang maglokohan kami kung nakahanap na kami nang ipapa-date para sa isa't isa. Isang lokohang usapan na naging seryosohan.

Hindi ko na matandaan kung bakit napunta sa 'topic' na 'to pero nasabi niya kasi sa akin na kaya raw siguro wala pa akong S.O. hanggang ngayon ay dahil 'pang-tropa' lang ang dating ko. Hindi naman ako nainsulto dahil alam ko namang he meant well nu'ng sinabi niya 'yon. Maaaring may katotohanan, maaaring nagkataon lang na sa gano'ng pagkakataon niya lang ako nakikita.

Oo, napaisip ako sa nasabing 'yon sa akin, pero, ang sabi ko na lang sa sarili ko, eh, enjoy naman ako sa pakikipag-kaibigan ko sa ilang kalalakihan ('di naman sila gano'n karamihan, eh), at wala namang sigurong masama ro'n. 'Di ko pa naman napapansin na isang tomboy na ang tingin nila sa akin para magdalawang-isip ako sa pakikisama sa kanila, kaya iniisip ko, ok pa ako. c",)

Sana nga, ok lang ako...c",)



Hindi, ok lang ako...ok pa ako. c",)

2 Comments:

Blogger Silent.Hollo said...

ok ka lng? ok ka lng mitch! haha! :))

Friday, June 03, 2005 3:40:00 PM  
Blogger mikaela said...

hehehehe...

mae, ang alam ko, ok ako! teka...isipin ko...

yup...i'm ok...wait...yeah...

c",)

Friday, June 03, 2005 5:41:00 PM  

Post a Comment

<< Home