Undas 2008
Just got back from the Loyola Memorial Park, here in Marikina.
This year's different for me dahil iba ang kasama ko, sina Mommy, Kuya Awad, Ate Loida, Elaine, Rissa, and Izer. The past years kasi, syempre ang nakasama ko eh ang mga Auntie Tessie.
Mabuti na lamang at di lumakas ang ulan, tumila pa nga pagkadating namin sa Loyola.
First stop (naks, parang Amazing Race...hehehe....May pagka-amazing race naman talaga kasi nag-take effect na ang one-way scheme sa paligid nang Loyola): Puntod ng Daddy (tito ko) at ng nanay ko. Muli, ako na naman ang unang nakakita. :) May mga bulaklak na't kandila na halatang nanggaling sa mga Auntie Tessie. Talaga kasing nauuna silang pumupunta ro'n para makaiwas sa dami nang tao at masikip na trapiko. Mabuti na lamang at nandun pa ang mga kandila't bulaklak. Dati kasi, mabilis nawawala, nakukuha nang kung sino man.
Nakakatuwa si Izer, ang 4-yr-old kong pamangkin. First time ko syang makasama sa sementeryo at buti na lamang, good mood sya. Tinanong nya kung sino o kaninong libingan ang nasa paligid nang puntod nang mga nanay. Nung una, di ko alam kung pano sagutin. Naisip ko na lang na basahin ang mga pangalan sa mga lapida at buti na lamang ok na yun sa kanya. Ayun, nawili, pinagtuturo na ang lahat ng lapida. Sorry na lang sa mga di ko mabasang lapida at di ko sila napakilala kay Izer. Hehehe. :)
Isa pang insidente, nu'ng kumakain kami ng taho, bigla na lang niyang tinanong kung gusto rin kaya ng lolo niya (tito ko) na kumain ng taho. Sabi ko na lang, naku wag na lang, bawal kasi diabetic... :) yung chips na lang ang inoffer nya. Pinaglalagyan niya ng tig-iisang piraso nung chichirya ang bawat lapida na puntahan namin.
Sunod naming pinuntahan ang area kung saan andun sina baby Edward (bunsong anak ng mga Auntie Tessie), lolo Pascual, lola Luming, tatay, pinsan kong si kuya Daniel, at kuya ko na si James. Bonding kami ni Izer kasi ako talaga tinatanong nya kung kani-kaninong mga lapida ang nasa lapida. Dahil siguro ako lang ang nagtyagang sumagot sa kanya. hehehe.
Marami nang tao ang nandun. Marami nang tent at mukang marami talagang nagpaplanong mag-overnight na ron. This time of the year's really another time for families to spend time together, quality time pa. Nakakatuwang isipin na buhay pa rin sa mga Pinoy ang diwa ng Undas. Well, di ko naman din alam how other countries celebrate All Soul's Day nor if indeed they have this kind of celebration.

2 Comments:
wala sa US ang "undas" na tulad sa atin, but they do celebrate Halloween (awwwwooo!). And syempre sa Catholic church, we observe All Saints/Souls day, hence, we offer prayers and hear mass saang lupalop ka man ng daigdig. ;)
muka nga talagang mas celebrated ang halloween in some countries. :|
Post a Comment
<< Home