being a kid again
Madalas dito sa bahay ang mga pamangkin ko sa pinsan na sina Elaine (16), Lerissa (12), at Eliezer (4). Mga dalaginding na ang unang dalawa kaya madali namang kausapin. Madalas nga lang akong hingan ng load! (Bakit ba kasi uso na sa mga batang-bata ang cellphone?! Dapat pang college lang yan onwards!!! hehehe)
Si Izer ang madalas kong kaaway...hehehe...Natural na makulit na bata na nag-aastang matanda kung minsan...Minsan gusto nya akong paalisin dito sa bahay...Minsan naman hinahanap-hanap daw ako pag di wala pa ako rito...Minsan iki-kiss ako, madalas hindi...Haayyyyy...
Marami na syang mga nabanggit na nakakagulat...Anjan yung sabi nya: "Tita Chelle, akin na lang 'tong coin (10 cents)...ibibigay ko kay Tito Gary (pinsan ko rin) wala raw kasi syang pera..."
Eto ang latest...kagabi lang...
Nakauwi ako rito sa bahay around 9pm...inilapag ko yung bag ko at dalang supot sa may upuan at kumain muna....Chika-chika...kwentuhan...at good mood sya kagabi kasi binigyan ko sya ng sunkist...di nya ko iniisnab...
Nung tapos na akong kumain at magbibihis na sana, natural na bibitbitin ko mga gamit ko papuntang kwarto, tinanong nya ako bigla: "San ka pupunta, Tita Chelle? Aalis ka na naman?! Kadarating mo lang, aalis ka ulit?!"
O di ba? daig pa ang tatay kung magsalita?! Sinakyan ko na lang ang trip nya....kunyari aalis nga ako...tinanong ko na lang, "Ayaw mo ba akong umalis?"
Umiling ang bata!!! Wagi ako!!! Labs nya ako!!! yeeha!!!! Sana laging ganoon...
...asa pa ako!!! hahahaha....

0 Comments:
Post a Comment
<< Home