Adik
Lately, 'eto na ang masasabi kong tanging 'gimik' ko sa buhay. Hindi ko maipaliwanag kung ano talagang naidudulot nito sa akin at na-adik ako. Hindi naman pagpapapawis dahil kung pwede nga lang, eh, 'wag akong pagpawisan sa paglalaro. Aaahhhh....alam ko na! Dahil sa badminton, may dahilan o may 'venue' na ko sa pagtili at pagsigaw! Hahahaha...Pang-alis ba ng tensyon sa buhay! c",)
Hay naku! Minsan nga iniisip ko, pa'no na lang ang kinabukasan ko 'pag nagpatuloy 'tong ka-adikan na 'to. Pa'no ako magkaka-asawa nito kung laging raketa na lang ang kapiling ko sa 'gimik'. Baka tuluyan na kong maging matandang-dalaga! Nakakatawa naisip ko, 'no? Wala lang. Dala lang din ito ng 'pressure' mula sa mga taong 'nagmamalasakit' sa akin at sa kinabukasan ko. c",) Eh, naisip ko rin naman, pa'no naman kung sa ka-adikan ko rin palang ito makikilala ang 'future hubby' ko, di ba? Kaya nga 'di ko na pinag-iintindi mga kaisipang ito, eh. Mapa-praning lang ako.
Basta ako, gusto ko na uling mag-badminton!!! c",)
