Lagi kong nakakalimutang i-post dito yung encounter ko with Princess.
Mga 3 weeks ago, lunch break sa office, niyaya ko officemate kong si Ate Leony to go to St. Francis square para lang mag-window shopping.
Bago kami bumalik sa opisina, nadaanan namin ang isang stall kung saan nagbebenta ng sari't saring accessories like bracelets, earrings, necklaces, and beaded i.d. straps. Since kailangan ko nang bagong i.d. strap, tumingin ako. Medyo nagulat ako na mga bata ang nag-entertain sa akin. Tatlo sila, 2 babae, 1 lalake. Mga 10-12 yrs old. Nung una, di ko pinansin ang pagsa-suggestive selling nung isang babae. Ako naman, sinakyan ko sya and tinanong ko sa kanya kung alin talaga ang maganda. Isa lang dapat ang bibilin ko. Naging 2.
Sa tuwa ko, tumingin ako sa ibang tinda nila. Ayun, napabili ako ng bracelet at hikaw. Dahil sa sobrang tuwa ko sa kanya. Tinanong ko sya kung wala syang pasok, sa hapon pa raw. Tinanong ko ang pangalan nya, itinuro nya sa akin yung pangalan ng istante: Princess. Nagulat ako. Sa kanya pala ang tindahan na 'yun. Alam n'ya lahat ng produkto nya. Sa dami ng naitanong ko, nasagot n'ya lahat - with confidence! Galing talaga!
I hope I can still meet her soon or when she grows up. I have no doubt na she'll really be successful. (Wag lang sana s'yang maudyok ng makamundong kapaligiran).